Image Credit: Generated by Night Cafe Studio
Engagement? Uso paba yun? Pero teka, maliwanag ba sayo kung ano ang Engagement?
Ang engagement ay yung kapag nakagsundo na kayo mag pakasal ng kapartner mo. ito yung kapag tinangap na ng babae ang proposal o alok ng lalake na magpakasal pag katapos ng mahabang dating period.
Sa engagement ay kasali na ang mga magulang nyo kung meron man kayo o kapatid, ipina pa alam nyo sa pamilya nyo na ikakasal na kayo.
Bakit? kasi kung ang kasunduan nyo ay sa inyong 2 lang sino mag papatunay na engage kayo diba? >! [Hidden Spoiler Text] This is the spoiler content.Optionally with more lines
Saka kung hindi din naman kayo ang gagastos ng laaht sa kasal nyo ay dapat ideklara nyo sa magulang nyo na engage na kayo. hahaha!!!
Dito na din pinag uusapan ang mga plano nyo sa kasal at sa buhay at pamilyang bu buuin nyo sa future.
Hindi nyo ito ma iiskip kahit gustohin nyo man kung sa Pilipinas kayo nakatira dahil stage ito bago kayo ikasal, pwera na lang kung nasa ibang bansa kayo kung saan pwede ikasal ang mga tao ng biglaan tulad ng Las Vegas. (dito kasi ang alam ko hindi pwede iyon, itama nyo ako kung mali ako)
Ang pwede nyo lang i skip ay yung mga parties at pag plaplano ng kasala kung ang balak nyo lang naman ay magpakasal na kayo lang at wala ng imbitadong mga kakilala na makikikain lang at hindi man lang mag reregalo sa inyo ng kahit arinola tapos magdadala pa ng sang katerbang kasama. (nag papatawa lang ako, huwag pikon) hahaha!!!
Pero ang totoo, ang para sa akin, ang dapat mawala ay yung BF/GF stage, noong unang panahon naman kasi walang stage na ganyan, ang meron ay, yung stage na kinikilala nyo ang isat isa na pwedeng sabihing dating stage pero ito talaga ay courtship, if nag kagustuhan kayo, engagement at pag ready na kasal na.
Kasi na aagrabyado ang babae dahil sa BF/GF stage na ito, may mga nasa stage na ito na bigla na lang mabubuntis ang babae ng hindi man lang nakita ng pamilya nya ang anino ng nakabuntis sa kanya.
Para sa akin lang naman ito at opinyon ko lang ito, nagiging paraan din kasi ito ng mga masasamang lalake na ang may masamang intensyon lang naman sa babae at wala naman balak na seryosohin ang girlfriend nya.
bagamat sasabihin ng iba na merong magagandang dulot yan tulad ng mas nakikilala mo ang makaka partner mo bago kayo makasal ay mas madaming dis advantages yan sa buhay.
Sa pag pili ng makakasama sa buhay, naniniwala ako na kung magandang values ka sa buhay at nagabayan ka ng mabulang mo sa kung ano ang tama at mali ay maliit ang tyansa na makapili ka ng masamang kapartner.
Syempre dumaan ako sa BF/GF stage din, pero nitong tumanda na ako ay naisip ko, na dapat wala noon para ma preserve padin natin yung pagka birhen ng mga babae sa araw ng kasal.
pero syempre, sa panahon ngayon parang hindi na importante sa mga tao ang virginity kaya kahit dipa kasal ay OK lang na mawala ito, dahil madami padin naman tatangap sa kanila kahit mawala ito.O tama na sa opinyon kong maka luma, hangang sa susunod na prompt at alalahanin nyo at i konsidera na ang opinyon kong ito ay para sa akin lang. Huwag mo itong gawing sagabal o hadlang sa kung anu mang balak mo sa buhay dahil hindi naman ako ang papasan ng kung anu mang magiging pasanin mo sa future. hahaha!!!
Engagement? Is that still a thing? But wait, are you clear on what engagement is?
Engagement is when you and your partner have agreed to get married. It’s when the woman has accepted the man's proposal or offer to marry after a long dating period.
Image Source: Bing image Generator
In an engagement, your parents and siblings are usually involved. You inform your family that you are getting married. Why? Because if the agreement is just between the two of you, who will testify that you are engaged, right? Also, if you're not the ones paying for the entire wedding, you should declare your engagement to your parents. Hahaha!!!
This is also when you discuss your wedding plans and your future life and family.
You can't skip this stage even if you want to if you live in the Philippines because it's a step before marriage, unless you're in a country where people can get married spontaneously, like Las Vegas. (As far as I know, this is not possible in the Philippines, correct me if I'm wrong).
The only thing you can skip is the parties and wedding planning if you just plan to get married without inviting guests who will only come to eat and not even give you a gift, then bring a lot of companions. (I'm just joking, don’t be mad) hahaha!!!
But honestly, in my opinion, what should be removed is the BF/GF stage. In the old times, there was no such stage. There was a period of getting to know each other, which can be called the dating stage but is actually courtship. If you like each other, you get engaged, and when ready, you get married.
Women are at a disadvantage because of this BF/GF stage. There are cases where women get pregnant in this stage without their families even knowing who the father is.
This is just my opinion, but this stage can also be a way for bad men with bad intentions towards women and no plans to take their girlfriends seriously.
Although some may say that the advantage is getting to know your partner better before marriage, there are more disadvantages in life.
When choosing a life partner, I believe that if you have good values and your parents guided you on what is right and wrong, the chances of choosing a bad partner are slim.
Of course, I went through the BF/GF stage too, but as I got older, I realized that it should be eliminated to preserve the virginity of women until the wedding day.
But of course, nowadays, people don’t seem to value virginity as much, so it’s okay to lose it even before marriage since many will still accept them regardless.Alright, enough of my old-fashioned opinion. Until the next prompt, remember and consider that this opinion is just for me. Don’t let it hinder or obstruct whatever plans you have in life because I’m not the one who will carry whatever burden you may have in the future. Hahaha!!!